Mga BEI magsusuot ng uniporme sa araw ng halalan

by Radyo La Verdad | March 28, 2016 (Monday) | 1000

VICTOR_BEI
Mag-uuniporme ang Board of Elections Inspectors at COMELEC employees sa araw ng halalan.

Sinimulan na rin ng COMELEC ang bidding sa mahigit na dalawang milyong pisong kontrata para sa uniporme.

Twenty million pesos ang inilaang budget para sa mahigit dalawang daan at pitumpung BEI uniforms na nagkakahala ng pitumput limang piso ang bawat isa.

1.2 million pesos naman ang budget para sa mahigit anim na libong t-shirt ng mga COMELEC employees na nagkakahalaga ng dalawang daang piso ang isang piraso.

Sa April 13 itinakda ng comelec ang submission at opening ng bid proposals.

Kinuwestyon naman ng grupong Legal Network for Truthful Elections o LENTE ang COMELEC sa desisyon nitong pagbibigay ng uniporme sa mga bei at empleyado nito sa araw ng eleksiyon.

Tags: