Mga bayan sa palibot ng Bulkang Taal, posibleng maapektuhan ng Base Surge

by Erika Endraca | January 14, 2020 (Tuesday) | 3111

METRO MANILA – Sa hazard map ng sa bulkang taal, ang mga lugar na sakop ng kulay orange ay mapanganib dahil sa posibleng maabot ito ng base surge.

Nangyari na ito sa mga unang pagsabog ng bulkan sa mga nagdaang dekada kung saan tumawid sa lawa ang impact ng pagsabog. May kasama itong mga bato at buhangin at iba pang debris na galing sa bunganga ng bulkan.

“Para pong impact speeding ng car, hindi ko lang po alam kung sa lake ay mga bahay doon ay sapat na yung lakas mapapatumba nya, defenitely madadamage, yung mga puno nga napatumba nung 1911, kayang patumbahin yung mga puno, kayang magdamage ng mga bahay.” ani VMEPD Chief Ma. Antonia V. Bornas

Umaabot sa 14 na Kilometro ang permanent danger zone at ang posibleng pinakamaapektuhan nito ay ang nasa kanlurang bahagi ng bulkan.

Ang mga bayan na nakapalibot dito ay ang Talisay, San Nicolas, Tanauan, Talisay, Laurel, Agoncillo, Santa Teresita, Alitagtag, Cuenca, Lipa, Balete at Mataas na Kahoy.

“Kaya nga tayo nagtaas ng alert level ay yung 1965 eruption mas maliit yun kaisa 1754, tumawid yung deposito papunta sa laurel, agoncillo area at maraming namatay mahigit 200” ani DOST / PHIVOLCS OIC USEC Renato Solidum.

Isa pa sa panganib sa aktibidad ng bulkan ay ang volcanic tsunami o ang pagapaw ng tubig sa lawa.

Ang volcanic tsunami ay maidudulot lamang kung may significant volcanic deposit na nai-displace ngayon yung tubig para magkaroon ng alon. So wala pang umaabot sa ganun” ani ani DOST / PHIVOLCS OIC USEC Renato Solidum.

Ayon sa PHIVOLCS, iinilalabas nila ang alerto para bigyang babala ang publiko. Nilinaw ni DOST USEC. Solidum na noong pang marso 2019 ay nakataas na sa level 1 ang alerto ng buklan.

Nangangahulugan ito na anomang oras ay posibleng magkaroon ng phreatic explosion na nangyari nitong Linggo ng umaga kung saan itinaas agad sa level 2 at level 3 matapos magpakita ng sunodsunod na pagbuga ng abo at magma na umabot sa 10 hanggang 15 kilometro ang taas.

Sa ngayon ay nasa alert level 4 ito nagbabanta ng malakas at mapanganib na pagsabog. Itataas naman ito sa level 5 sa oras na magkaroon na ng malakas na pagsabog.

Kapag sinabi nating alert level 5 sasabihin lang natin ganito ang nangyayari sa volcano, nangyayari na yung mapanganib na eruption. Kung hindi mangyayari yun hindi tayo magsasabi ng alert level 5.” ani ani DOST / PHIVOLCS OIC USEC Renato Solidum.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy parin ang naitatalang pagyanig sa palibot ng bulkan na nangangahulugan na papaakyat pa ang magma.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: