Mga batas ukol sa climate change dapat pang palakasin, political will kinakailangan- Sen. Legarda

by Radyo La Verdad | April 15, 2016 (Friday) | 30993

CLIMATE-CHANGE
May mga batas ng umiiral upang matugunan ng pamahalaan ang epekto ng climate change nguni’t naniniwala ang ilang mambabatas na dapat itong rebyuhin upang mapalakas pa.

Kabilang dito ang Climate Change Act of 2009, National Disaster Risk Reduction and Management Law At People’s Survival Fund.

Ang mga nasabing batas ang tutugon at lumikha ng mga konseho na binubuo ng mga miyembro mula sa gabinete ng pamahalaan upang gumawa ng mga programa laban sa global warming at paglaanan ito ng sapat na pondo.

Bukod rito may iba pang mga batas sa climate change adaptation and environmental protection.

Ang Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997, Philippine Clean Water Act of 2004, Philippine Clean Air Act of 1999, Bifuels Act of 2006, Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at Renewable Energy Act of 2008

Ayon kay Senador Loren Legarda, Chairperson ng Committee on Climate Change, sapat ang pondo ng pamahalaan para dito at di dapat ibinbin o mauwi sa underspending.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: