Mga batang may record na sa mga participating hospital, prayoridad sa first phase ng pediatric vaccination

by Erika Endraca | October 15, 2021 (Friday) | 3211

METRO MANILA – Eligible para sa mabakunahan kontra COVID-19 ang 12.7 million na mga kabataang Pilipino edad 12-17 taong gulang ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay kay Health Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire ang pagbabakuna sa hanay ng pediatric A3 sector ay gagawin sa pamamagitan ng “phased approached” o bai-baitang upang ma- monitor ng maayos ang mga vaccinee.

Ayon kay DOH National Capital Region (NCR) Director Dr Gloria Balboa, sa first phase ngayong linggong ito, uunahin ang mga batang naging pasyente o may medical record na sa ospital kahit saang LGU pa sila galling.

“We really have to be very careful kasi hindi pa natin alam ano maigiging epekto talaga ng bakuna with them,because of the comorbidities na meron sila” ani DOH NCR Dr. Gloria Balboa

Sa second week naman ng pilot implementation, maaari nang tumanggap ng bakuna ang mga bata na hindi naging pasyente sa participating hospitals.

Ayon pa kay Dr. Balboa, nakapag- deploy na ng COVID-19 vaccines sa 2 ospital noong Miyerkules.

“Kahapon na- deliver na ang bakunang gagamitin, its Pfizer. Very important din iyong cold chain, iyong storage nila kailangan itong Pfizer merong ultra low freezer. Ang isang tray kasi is 1,170 doses times 8 iyon” ani DOH NCR Dr. Gloria Balboa.

Noong Miyerkules at kahapon nagsagawa ng simulation exercise sa mga participating hospitals ng pediatric A3 sector vaccination upang matiyak na handa na ang mga ito

Gaya ng adult vaccination may registration muna, screening at assessment sa kondisyon ng mga bata

Bago ang aktwal na pagbabakuna kailangang kasama ng bata ang magulang o guardian na syang pipirma sa informed-consent and assent form na ibibigay ng ospital.

Mahalaga ang assent ng mga bata upang matiyak na hindi sila pinilit na mabakunahan kontra COVID-19.

May requirements din na dapat maiprisinta bago ang pagbabakuna.

Ito ay ang medical certificate bilang patunay na may comorbidity ang bata. Dokumento na magpapatunay ng filiation o relasyon ng bata sa kasama niyang adult sa araw ng pagpapabakuna

At ang identification ng mga parent o guardian at ng batang babakunahan.

Target ng bawa’t ospital na makapagbakuna ng 50 bata bawat araw.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,