Mga batang manggagawa sa Masbate, nakatanggap ng tulong mula sa DOLE

by Radyo La Verdad | November 26, 2021 (Friday) | 5188

MASBATE – Aabot sa 100 batang trabahador sa Esperanza, Masbate ang nakatanggap ng tulong mula sa proyektong “Project Angel Tree” ng Department of Labor and Employment o DOLE-Bicol.

Ayon kay DOLE-Bicol Spokesperson Johana Vi Gasga, ang naturang proyekto ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Children’s Month na may temang “New Normal na Walang Iwanan: Karapatan ng Bawat Bata Ating Tutukan”

Gayon din sa adbokasiya ng ahensya upang wakasan ang paghihirap ng ilang batang nagtatrabaho na sa murang edad.

Kabilang sa tinanggap ng mga ito ang ilang food packs, school supplies, mugs, umbrellas at ‘Batang Malaya’ t-shirts na pinangunahan ng Masbate Provincial Field Office.

Ayon naman kay DOLE Regional Director Ma. Zenaida A. Angara-Campita, isa ito sa hakbang na ginagawa nila upang maprotektahan ang mga bata at mapabuti ang kanilang sitwasyon lalo na sa panahon ng pandemya.

(Sunny Mhon Torres | La Verdad Correspondent)

Tags: ,