Mga batang kasama sa face-to-face classes, dapat mabakunahan muna vs COVID-19 – VEP

by Erika Endraca | September 22, 2021 (Wednesday) | 4104

METRO MANILA – Nananatiling banta sa kalusugan ang Delta variant kabilang maging sa pediatric population o mga menor de edad.

Kaya naman ayon Vaccine Experts Panel Member Dr. Rontgene Solante, kailangan iprayoridad ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga batang pilipino bago magsimula ang pilot run ng limited face- to-face classes sa Pilipinas.

“We will only allow face-to face as long as those will be on the face- to- face meeting will be vaccinated so that’s the priority unless this age group for example itong mga high school or elementary na wala pang bakuna it’s too risky in putting them in their classes na wala pang bakuna” ani VEP Member/ Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante.

Ayon pa kay Dr. Solante mas magiging epektibo ang vaccine rollout sa mga menor de edad kung uunahin ang mga batang Pilipino sa pilot areas ng face-to face classes.

“With the extension of the age group na meron nang bakuna na effective this age group can be a potential priority population once we have the capacity or supply of these vaccines if you have vaccines that will also cater the younger age group especially for us who are planning, ang gobyerno kasi natin plano ng face- to- face school opening” ani VEP Member/ Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante.

Dagdag pa ni Dr Solante, nababawasan talaga ang bisa ng COVID-19 vaccines dahil sa Delta variant.

Nguni’t ang mga COVID-19 vaccines ay nakakatulong pa rin upang ang mga bakunado na ay maiiwas sa pagkakaroon ng COVID-19 severe at critical infection kumpara sa mga hindi nakatanggap ng kanilang COVID-19 shots.

“Those vaccinated will only develop a more milder symptoms compared to an unvaccinated. In fact in the current data namin sa mga ospital still the unvaccinated that are suffering from severe and critical compared to vaccinated. hindi lang pala matanda kapag severe and critical when you have this kind if highly transmissible virus it can also cause more hospitalization and emergency care visit particularly those sa mga medyo bata bata pa” ani VEP Member/ Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante.

Ayon naman sa Dept. of Health (DOH), isinasapinal pa lang ang mga protocol bago simulan ang pagbabakuna ng mga menor de edad sa Pilipinas.

Pfizer at Moderna COVID-19 vaccines pa lang ang may Emergency Use Authorization sa bansa na maaaring ibakuna sa mga 12 hanggang 17 taong gulang.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,