Mga batang edad 6, 9, 14, isinasangkot sa iligal na droga- Pang. Duterte

by Jeck Deocampo | January 23, 2019 (Wednesday) | 49027
File: PCOO

QUEZON PROVINCE, Philippines – Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sindikato ng iligal na droga sa bansa na hindi titigil ang kampanya ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot.

Aniya, bilang lider ay mandato niyang protektahan ang taumbayan at ang bansa mula sa ikasisira nito partikular na ang suliranin sa droga.

Dagdag ng Pangulo, mas bata ang ginagamit ngayon ng mga kriminal upang magmantena sa operasyon ng iligal na droga. Ginawa ng Punong Ehekutibo ang pahayag sa annual assembly ng mga local leader sa Lucena City, Quezon kahapon.

“’Pag sinira mo ang bayan ko, talagang magwawala ako. Kaya ‘yung nangyari noong five days ago. Ang nagme-maintain ngayon ng shabu ang mga bata. Kung may parokyanong makita niya at naghahanap, dadalhin nila doon, pahithitin nila, sila na ang kukubra. Pati ang mga bata shoot na rin sila. As young as six, eight, nine, 14. Kita mong ginagawa ng mga u****?”

Nabanggit ng Pangulo ang usapin isang araw matapos ipasa sa committee level ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang nagbababa sa siyam na taong gulang ng minimum age of criminal responsibility.

Wala pang malinaw na posisyon si Pangulong Duterte hinggil sa isyu subalit ayon sa Malacañang, ipinauubaya na nito sa mga mambabatas ang usapin hinggil sa edad na dapat nang pananagutin sa batas ang isang gumagawa ng krimen..

“Again, the President will not interfere because that’s the lawmakers’ job. We will not question that. Bahala sila. Basta gusto ni Presidente, ayaw niya iyong 15, definitely,” ani Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , , , , ,