Nababahala ang AFP sa impormasyong ginagamit na rin umano ng Maute terrorist group ang mga batang bihag sa pakikipagbakan sa Marawi City.
Ayon sa militar kabilang ang mga ito sa tinatayang 80 hanggang 100 pwersa ng grupong tinutugis ng militar sa siyudad.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen Restituto Padilla, sinisikap ng militar at pulis na huwag malagay sa peligro ang buhay ng mga bihag.
Gayunman, hindi nila kontrolado ang sitwasyon lalo na’t sila naman ang manganganib.
Sa pinakahuling ulat ng AFP, umabot na sa 379 ang bilang ng Maute members na napatay sa ika- 49 na araw ng bakbakan sa Marawi City;
89 naman sa panig ng AFP at PNP habang 39 na sibilyan naman ang nasawi.
Tinataya namang daan-daan pang sibilyan ang naiipit sa nagpapatuloy na krisis sa Marawi .
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)