Mga barko ng Phil Navy, mas pinaigting ang pagbabantay sa mga baybayin ng Mindanao

by Radyo La Verdad | May 30, 2017 (Tuesday) | 4415


Patuloy pa ring nakabantay ang dalawang barkong Philippine Navy na BRP Gregorio del Pilar at ang pinakabagong asset nito na BRP Davao del Sur sa Davao City.

Matatandaang dumaong ang dalawang barko noong Huwebes dalawang araw matapos ideklara ng pangulo ang Martial Law.

Katuwang ang Eastern Mindanao Command, PNP, Maritime police at iba pang ahensiya ng gobyerno, tiniyak ng Phililpine Navy na mas pinaigting nila ang seguridad upang huwag nang kumalat pa ang kaguluhan sa Marawi.

Sa ngayon patuloy ang higpit na pagbabantay ng grupo sa iba’t-ibang coastal areas ng Mindanao.

Samantala sa unang pagkakataon ay gaganapin sa Davao City ang pagdiriwang ng ika-isang daan at labing siyam na anibersaryo ng Philippine Navy bukas.

Kasabay nito ay ang pagkomisyon sa BRP Davao del Sur na inaasahan namang dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

(Marisol Montaño)

Tags: , ,