Mga baril ng mga private gun holder at security guard sa Batangas, sinelyuhan ng PNP

by Radyo La Verdad | December 29, 2015 (Tuesday) | 1941

VINCENT_SINELYUHAN
Matapos selyuhan ang mga baril ng pulis, mga baril naman ng mga private gun holder at security guard ang sinelyuhan ng PNP Batangas.

Pinirmahan din ito ng opisyal upang madaling malaman kung nagamit ang baril.

Ayon kay Provincial Director Senior Superintendent Arcadio Ronquillo Jr. layon nito na hindi na dumami pa ang biktima ng ligaw na bala sa lalawigan ng Batangas sa pagsapit ng pagpapalit ng taon.

Isa sa nakilahok sa programa ay si Roui Andrea Arayaon, miyembro ng grupo ng Batangenio- Galitilyero.

Ang kaniyang baril ay ginagamit sa sports na pratical shooting.

Sa tala ng PNP Batangas, apat ang naitalang kaso ng biktima ng ligaw na bala sa lalawigan noong nakaraang taon.

Samantala sa ngayon ay wala pang naitatalang kaso ng stray bullet sa lalawigan.

Umaasa naman ang PNP na makakapagtala sila ng zero stray bullet incident hanggang sa pagpapalit ng taon.

(Vincent Octavio / UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,