Mga baril na nakumpiska ng PNP sa COMELEC checkpoints, isasailalim sa ballistic examination

by Radyo La Verdad | May 16, 2016 (Monday) | 1829

LEA_MARQUEZ
Nais malaman ng Philippine National Police kung ginamit sa krimen ang mga baril na nakumpiska ng kanilang mga tauhan sa mga inilagay na COMELEC checkpoint.

Base sa datos ng PNP nasa 3,509 na baril na ang nakumpiska ng pnp mula nang ipinatupad ang COMELEC gun ban noong January 10.

Ayon kay PNP Chief PDG Ricardo Marquez, ang naturang mga baril ay agad na itini-turn over sa crime laboratory upang isailalaim sa ballistics examination tulad ng cross matching ng mga slug at cartridge sa pamamagitan ng Integrated Ballistics Identification System o IBIS.

Alinsunod ito sa kanilang police operational procedure.

Sinabi naman ni Crime Laboratory Director PCSupt. Emmanuel Aranas na bahagi ng procedure ang pagpapaputok sa mga baril na isinumite sa kanila upang maisalang ito sa cross matching.

Paliwanag ni Aranas, dumadaan sa masusing proseso ang ginagawa nilang ballistic exam kaya’t hindi ito madaling matapos

Dadgdag pa nito, malaking tulong ang cross matching sa mga shooting incident na hindi pa nareresolba ng PNP.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,