Mga barangay officials na sangkot sa iligal na droga, ipinatotokhang ni PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa

by Radyo La Verdad | March 13, 2018 (Tuesday) | 6875

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na 289 na mga barangay officials ay sangkot umano sa iligal na droga. Karamihan sa mga ito ay taga Mindanao.

Ayon kay Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa, kasama ang ilan sa mga ito sa mga bagong target  para sa oplan tokhang.

Apela ni Gen. Dela Rosa sa publiko, huwag nang iboto pa sa nalalapit na barangay at SK elections ang mga brgy. officials na alam nilang nasasangkot sa iligal na droga.

Sa ngayon may mahigpit ang direktiba sa niya sa mga local police na itokhang ang mga barangay officials upang mabawasan ang mga narco-list sa bansa.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,