Pagkatapos na pangunahan ang selebrasyon ng Araw ng Kasarinlan sa Kawit, Cavite kahapon, nagtungo naman sa Clark, Pampanga si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinaksihan nito ang oath-taking ng mga bagong talagang barangay chairman sa Central Luzon.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang bigyan ng armas ang mga ito kung handa silang suportahan ang kanyang kampanya kontra iligal na droga at kriminalidad ng pamahalaan.
At gaya ng kaniyang pangako sa mga pulis at sundalo, sinabi ng pangulo na poproteksyunan ang mga ito kung makakasuhan habang gumaganap ng kanilang tungkulin.
Hiniling naman sa mga ito ni Pangulong Duterte na iisantabi ang kanilang mga personal na interes at maglingkod ng tapat sa kanilang mga nasasakupan.
( Leslie Huidem / UNTV Correspondent )
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com