Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nasa 1,000 barangay captain kung bakit hindi sila nakakatugon sa mga inilulunsad na programa kaugnay ng Manila bay rehabilitation.
Una ng inatasan ng kagawaran ang 5,714 barangay na tumulong sa paglilinis ng Manila bay at Laguna lake.
Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, kapag hindi sinagot ng mga ito ang show-cause-order ay maghahain na sila ng reklamo sa office of the ombudsman.
Inihalimbawa ni Diño ang nangyari kay dating Malay, Aklan Mayor Cicero Cawaling na natanggal sa pwesto dahil sa nangyaring kapabayaan sa isla ng Boracay.
“Yung mga mayor sa metro manila at yung 179 mayor that covers manila bay, hindi kayo exempted dito baka kayo na ang kasunod” ani DILG Undersecretary Martin Diño .,
Tags: DILG, Laguna Lake, Manila Bay Rehabilitation