Inisa-isa kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga target na matalakay sa kabuuan ng Association of Southeast Asian Nations on ASEAN Summit na isinasagawa ngayon sa bansa.
Pormal na binuksan ng Pangulo ang pagtitipon bilang chairman ng ASEAN ngayong taon. Kabilang sa mga agenda ang problema sa terrorismo, piracy at iligal na droga
Hindi nakalimutan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pasalamatan lahat ng bansang nagbigay ng kanilang ayuda para maresolba ang suliranin sa Marawi at tulungan ang mga apektadong residente doon.
Isusulong din ng ASEAN ang pangangalaga sa kapakanan at karapatan ng migrant workers. Ngayong araw, isang landmark document ang pipirmahan ng ASEAN kaugnay nito.
Samantala, sa isang statement sinabi ni Department of Foreign Affairs Spokesperson Robespierre Bolivar na nagkasundo na ang ASEAN leaders at China na umpisahan na ang pag-uusap kaugnay ng pagbuo ng code of conduct sa South China Sea. Ibabase umano ito sa framework na napagkasunduan ng foreign ministers ng ASEAN noong August 2017.
Ginawa ng DFA ang pahayag matapos ang isinagawang ASEAN-China summit kahapon.
( Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent )
Tags: ASEAN Summit, Pangulong Duterte, Seguridad