Mas dumarami pa ang mga bansa sa Asya na ikinukonsidera ang pag gamit ng nuclear energy bilang alternatibo sa pagkakaroon ng sapat na power supply ayon sa International Atomic Energy Agency o IAEA.
Ito ay sa kabila ng insidente sa Japan noong 2011 kung saan nagkaroon ng nuclear meltdown sa isa sa mga nuclear powerplants nito matapos ang malakas na lindol at tsunami.
Paliwanag ni IAEA Director General Yukiya Amano, mas pinag-iigting na ng mga bansa ngayon na gumagamit ng nuclear energy ang pagpapatibay sa kanilang mga nuclear powerplants dahil malaki ang naitutulong nito pagdating sa energy security.
Naniniwala naman si Philippine Ambassador to Austria Maria Zenaida Angara Collinson na hindi dapat katakutan ang pagkakaroon ng nuclear power plant.
Isa sa mga mandato ng IAEA ay ang pagtulong sa bawat bansa na masigurong ligtas ang mga ito sa banta ng nuclear terrorism.
Ngunit ang pamahalaan pa rin ang may pangunahing responsibilidad ditto.
(Darlene Basingan/UNTV Correspondent)
Tags: bansa sa Asya, dumarami, Int'l Atomic Energy Agency, nuclear enery