Mga bakunadong Delta cases, Asymptomatic at nakaranas lang ng mild infection – DOH

by Erika Endraca | July 27, 2021 (Tuesday) | 5745

METRO MANILA – Muling binigyang diin ng DOH na nakapagbibigay ng proteksyon laban sa COVID-19 variants ang anomang brand ng COVID-19 vaccine.

Sa 119 Delta cases sa bansa, 4 dito ang nakaranas pa rin ng breakthrough infection. Isa rito ay walang sintomas at 3 naman ang nagkaroon lang ng mild symptoms.

5 naman sa Delta cases ang nakatanggap ng kanilang first dose. 2 sa kanila asymptomatic at 3 ay nagkaroon lang ng mild symptoms. 24 naman ang hindi pa nabakunahan.

Benebiripika pa ng DOH ang vaccine status ng natitirang 86 delta cases sa bansa,

Sa 3 death cases naman sa Pilipinas dahil sa Delta, dalawa rito ay hindi bakunado.

“Nagpapakita ang mga datos ngayon na pag bakunado, mas may laban sa mga variants na ito
ang dalawa na namatay because of the delta variant, they were not vaccinated.” ani DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire.

Nagapaalala ang DOH sa publiko na walang sinoman ang immune sa COVID-19

May mga nahahawa pa rin talaga kahit sila ay bakunado na, nguni’t hindi naman nakararanas ang mga ito ng severe infection.

“Although, we are saying ‘di pa naman kumpleto ang pag-aaral, nakikita natin vaccines work. Pag tiningnan ang number of infections sa ngayon compared to before, bumaba ho talaga ang number of healthcare workers na nagkakasakit. At ang nagkakasakit at na-o-ospital ay mga unvaccinated.”ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Muling nagpapalala ang DOH na magpabakuna na ang mga kabilang sa priority sektor ng pamahalaan.

(Aiko Miguel | Quezon City)

Tags: , ,