Mga bakasyunista sa City of Pines, inaasahang aabot sa mahigit isang milyon ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | December 26, 2017 (Tuesday) | 5019

Fully-booked na ang mga hotel maging sa mga transient houses sa Baguio City. Matinding traffic din ang nararanasan ngayong araw dahil sa pagdagsa ng mga bakasyunista sa summer capital ng bansa. Marami sa mga bakasyunista ang nagtutungo sa Baguio dahil sa malamig na panahon at magagandang tanawin.

Naglalaro na sa 11 degrees celcius hanggang 23 degress celcius ang temperatura ngayon kumpara noong nakalipas na Enero 2016. Bumaba sa 9.5 degress celcius ang temperatura sa lungsod. Naitala ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio noong Enero ng 1961 kung saan umabot sa 6.3 degress celcius.

Inaasahang aabot sa isang milyong local and foreign tourist ang aakyat sa Baguio City ayon sa Philippine National Police.

Kaya naman lalo pang hinigpitan ng PNP ang ipinatutupad na seguridad sa lungsod. Mayroon namang 300 na mga pulis ang Baguio City Police Office sa mga matataong lugar gaya ng mga pasyalan, palengke at terminal. Naglagay rin ang PNP ng motorist assistant center sa mga pangunahing kalsada sa Baguio City.

 

( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )

Tags: , ,