Mga bahay sa Catanduanes kinumpuni para hindi magiba ng Bagyong Tisoy

by Erika Endraca | December 2, 2019 (Monday) | 20824

Virac Catanduanes – Maagang kinumpuni ng mga residente sa Catanduanes ang kanilang mga bahay upang matiyak na magiging matibay ito sa paparating na Bagyong Tisoy.

Samantala inilikas na ng lokal na pamahalaan ang mga pamilyang nakatira sa mga lugar na posibleng bahain. Sa local na pamahalaan ng Catanduanes nagsimula na ring mag-repack ng mga relief goods na ipamimigay sa mga maaapektuhan ng bagyo.

Naka pwesto na rin ang mga rescue equipment maging ang isang speed boat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng Catanduanes para magamit sa mga residenteng kailangang ilikas, nakaantabay na rin ang Philippine National Police (PNP) sa Catanduanes upang asistehan ang mga maaapektuhang residente.

Samantala mahigit 900 pamilya na ang lumikas, na karamihang nakatira sa coastal area at landslide prone area sa Bayan Virac, san Andres, Viga, Bagamanoc, San Miguel at Caramoran

Pero sa kabila nito may iilan pa rin sa mga residenteng nakatira malapit sa tabing dagat ang ayaw lumikas sa kabila ng banta ng Bagyong Tisoy

Bilang paghahanda na rin sa posibleng magiging epekto ng Bagyong Tisoy nag kansela na ng klase ang local na pamahalaan ng Catanduanes sa lahat ng antas ng paaralan, pribado man o pampubliko

(Allan Manansala | UNTV News)

Tags: ,