Naghahanda na ang mga neophyte o bagong kongresista sa pagsisimula ng kanilang trabaho sa pagbubukas ng 17th Congress.
Noong lunes ay nagsimulang sumailalim ang mga ito sa executive course
Dito itinuturo sa kanila ng mga propesor mula sa University of the Philippines ang policy making process, Philippine administrative system at parliamentary rules and procedure.
Kahapon sumalang ang mga ito sa mock-session upang malaman ang mga aktibidad na ginagawa ng mga kongresista tuwing may sesyon.
Kabilang dito ang pakikipag-debate, botohan, at pagtalakay sa mga panukalang batas na nasa plenaryo.
Sa kabuuan mayroong animnaput walong mga bagong kongresista sa 17th Congress.
(Grace Casin/UNTV Radio)
Tags: neophyte