Mga bagong paraan sa pagsugpo ng rabies, isinusulong ng ilang grupo

by Radyo La Verdad | October 13, 2017 (Friday) | 2810

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng mga nakakagat ng mga hayop na mayroong rabies sa bansa tulad ng aso at pusa.

Ayon sa datos ng Department of Health, mula sa dating mahigit pitong daang libo noong 2015 ay umabot na ito sa mahigit isang milyon ngayong 2016.

Sa mga ito, mahigit dalawandaan ang nasawi dahil sa rabies infection.

Kaya naman isinusulong ng ilang grupo ang makabagong paraan sa pagsugpo ng paglaganap ng rabies sa bansa, kabilang na dito ang pet i-chip o pet microchipping program.

Sa pamamagitan nito, madali rin matutukoy kung ang isang aso ay nabakunahan na at kung sino ang may-ari.

Anomang hayop na may timbang na 300 grams pataas ay maaaring lagyan ng microchip.

Isang rabies prevention mobile application naman ang binuo ng ilang mag-aaral mula sa Technological Institute of the Philippines, Quezon City.

Naglalaman ito ng iba’t-ibang impormasyon tungkol sa rabies at mga karampatang parusa alinsunod sa Republic Act 9482 o ang Anti-rabies Act.

 

( Abi Sta. Ines / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,