Magsisimula sa Lunes ng umaga, July 25, ang sesyon sa senado at sa mababang kapulungan ng kongreso, kung saan pagbobotohan ang mga uupong opisyal sa kongreso.
Sa hapon, dederetso naman ang mga mambabatas sa batasang pambansa para pakinggan ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Si Senate President Pro Tempore Juan Miguel Migz Zubiri ang inaasahang susunod na Senate President, habang si senator Loren Legarda naman ang napipintong maging Senate President Pro Tempore.
Matunog namang susunod na majority leader si senator Joel Villanueva.
Sinabi noon ni senator Zubiri na magtatalaga rin ng dalawang senior deputy senate majority leaders na hahalili kay senator Villanueva. Isa rito si returning senator JV Ejercito, habang pinagpipilian pa ang isa.
Isang super-majority ang inaasahang mabubuo sa senado, na kabibilangan ng pinagsanib-pwersang grupo nina senator Zubiri at senator Cynthia Villar.
Batay sa tradisyon, ang mga boboto sa mananalong Senate President ang bubuo ng mayorya, habang ang mga hindi boboto, o di kaya’y boboto sa hindi mananalong Senate President ang mapupunta sa minority bloc.
Tags: senate officials