Mga bagong maintenance provider na kinuha ng DOTC hindi makabubuti sa operasyon ng MRT-Bayan Muna

by Radyo La Verdad | June 18, 2015 (Thursday) | 1305

BAYAN MUNA
Sa kabila ng hindi magandang track record, ini-award pa rin ng Department of Transportation and Communication ang maintenance contract sa mga kumpanya na ayon sa grupong Bayan Muna ay lalo lamang magpapalala sa operasyon ng MRT Line 3.

Sa Hulyo, inaasahan na magsisimula na ang mga bagong maintenance provider.

Sa ngayon 4 pa lamang sa pitong aspeto ng maintenance ang na i-award ng DOTC tulad ng rail tracks and permanent ways na i-award sa Jorgman-Korail, communication system na na i-award sa Trilink technologies, building and facilities sa Global Epcom at ticketing system na naibigay sa Future logic.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng grupong Bayan Muna, hindi maganda ang record ng mga kinuhang kontraktor ng DOTC.

Ang Jorgman-Korail, muntik ng ma blacklist mismo ng DOTC noong 2013 dahil hindi magampanan ng maayos ang maintenance sa LRT dahil sa problemang pinansyal.

Ang Global Epcom na siya ring Global APT kinuha pa rin sa kabila ng mga isyu dahil sa hindi maayos na performance nito at ang future logic na nagtatrabaho rin sa ilalim ng Global APT.

Hanggang katapusan na lamang ng buwan ang kasalukuyang maintenance provider ng MRT na Global APT subalit dahil nanalo ito sa bidding balik sila ulit bilang isa sa mga maintenance provider.

Tags: ,