Bayan Muna, umapila sa Ombudsman upang maisama si dating Pangulong Aquino sa kaso ng DAP

by Radyo La Verdad | March 14, 2017 (Tuesday) | 2653


Umapela ang grupong Bayan Muna sa Ombudsman upang maisama si dating Pangulong Benigno Aquino The Third sa mga dapat makasuhan kaugnay ng Disbursement Acceleration Program o DAP.

Tinutulan ng Bayan Muna ang naunang desisyon ng Ombudsman na “in good faith” si Aquino at dating Budget Secretary Butch Abad ng likhain ang DAP.

Hindi umano ipinaliwanag kung bakit hindi nakusahan si Aquino ng usurpation of congress powers gayong si Abad ay pinananagot ng Ombudsman.

Sinabi pa sa mosyon ng grupo na tila pinagtatakpan ng Ombudsman ang dating pangulo sa naging desisyon nito kaugnay ng DAP.

Tags: , , ,