Mga bagong full body scanner uumpisahan ng gamitin sa NAIA ngayong buwan

by Radyo La Verdad | August 11, 2015 (Tuesday) | 1492

SCANNER
Kumpara sa mga dating scanner na ginagamit sa NAIA, mas maaasahan ang mga bagong full body scanner sa pag inspeksyon sa mga pasaherong pumapasok sa mga paliparan.

Ang mga body scanner ay mayroong millimeter-wave technology na kayang mag detect ng mga nakatagong bagay sa katawan ng tao

Ito ay gumagamit ng low-frequency radiation na ligtas sa mga nagdadalang tao at maging sa mga may body implant

Kaya nitong ma-detect ang ceramics, anumang uri ng likido, bakal, narcotics at explosives

Labing apat na full body scanner ang nabili ng Manila International Airport Authority noong nakaraang taon na nai-deliver noong Hunyo at na install lamang ngayong buwan

Maseseguro din ang privacy ng mga pasahero dahil ang tanging makikita lamang dito ay ang outline o balangkas ng katawan.

Ang mga full body scanner ay ilalagay lamang sa final security screening checkpoints sa mga terminal, tatlong unit sa Terminal 1, lima sa Terminal 2, lima sa Terminal 3 at isa sa Terminal 4

Magsisilbi rin itong karagdagan sa 26 na walk through metal detector sa final check in sa mga terminal

Ang mga full body scanner ay nagkakahalaga ng P12 million kada isang unit

Muli namang ipinaalala ng MIAA sa lahat ng mga pasahero na huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal sa paliparan upang makaiwas sa abala.(Mon Jocson / UNTV News)

Tags: