Mga bagong Dalian train, tuwing weekend lamang muna patatakbuhin

by Radyo La Verdad | May 18, 2016 (Wednesday) | 873

MON_BUENAFE
Dahil sa kakulangan ng mga trained driver, tuwing weekend lamang muna patatakbuhin ng Metro Rail Transit Management ang bagong Dalian trains.

Bagamat nais ng MRT na makatulong ito sa dagsa ng mga pasahero tuwing weekdays, hindi nila maaaring ipagwalang bahala ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sa ngayon ay manual rin ang signaling system ng mga Dalian train.

Ibig sabihin, hindi ito katulad ng mga lumang tren na may Automatic Protection System na mo-monitor lamang ang takbo ng tren gamit ang radio system.

Ayon kay MRT General Manager Roman Buenafe, ginagawa na nila ngayon ang mga suhestyon ng ibang grupo upang mapaganda ang serbisyo ng MRT.

Kabilang dito ang pagbili ng karadagang mga bagon, pag upgrade sa signaling system at pagpapalit ng riles.

Tataasan rin ng mrt ang voltage capacity ng MRT mula 750 kilo volts to 1500 kilo volts.

Pagnagawa ito, pwede nang gawing apat na light rail vehicles ang isang tren kumpara sa tatlong lrv ngayon.

Hiling naman ni MRT General Manager Buenafe na sana ay ipagpatuloy ng papalit na mamamahala sa MRT ang kanilang mga naumpasahang modernization ng Mass Transit System.

Ipinagmalaki rin ng MRT Management na mas kakaunti ang mga aberya ngayon sa MRT kumpara noong nakaraang taon.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)