Malaking hamon para sa pamunuan ng Philippine National Police ang kawalan nila ng kontrol sa pagsasanay ng mga police recruit.
Ito ang dahilan kung bakit nais ni PNP Chief PDG Ronald Dela Rosa na pangangasiwaan ang training sa mga ito sa harap ng pagtaas ng bilang ng police non-commissioned officer na nasasangkot sa iligal na droga.
Base sa tala ng PNP Internal Affairs Service may 81 drug cases na kinasasangkutan ng Police Officer 1 o PO1 habang 48 naman ang may ranggong Police Officer 3 o PO3 at 42 ang Police Officer 2 o PO2.
Kaya naman ang nakikitang solusyon ng PNP ay kunin ang pamamahala sa training ng mga ito na kasalukuyang nasa National Police Training Institute sa ilalim ng Police Public Safety College o PPSC.
Ayon naman sa National Police Training Institute, sa isang taong pagsasanay ng mga police recruit, ang huling anim na buwan ay ginugol na sa field exercise na ang PNP ang ngangasiwa.
Sa kabila ng tuksong dulot ng malaking pera mula sa droga, sisikapin pa rin ng PNP na malinis at maiwasto ang kaisipan ng ilan sa kanilang mga kasamahan na tila nalilihis ng daan.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: Mga bagitong pulis na sangkot sa iligal na droga, talamak na