Mga babaeng sundalo at pulis, ipadadala sa Marawi upang tumulong sa rehabilitasyon

by Radyo La Verdad | August 23, 2017 (Wednesday) | 4732

Inumpisahan na ang limang araw  na training ng mga babaeng sundalo at pulis na ipapadala sa Marawi sa August 29 upang tumulong sa rehabilitasyon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, ang mga ito ay binubuo ng 40 enlisted personnel ng AFP at 60 non commissioned officer ng PNP. Aniya, naniniwala sina AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año at PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa na malaki ang maitutulong ng mga babaeng sundalo at pulis sa mga residenteng nabiktima ng bakbakan sa Marawi. Isa sa magiging trabaho aniya ng grupo ay ang personal na pakikipag-usap sa mga residente.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magpapadala ang AFP at PNP ng grupo ng mga babaeng sundalo at pulis sa isang lugar na mayroong bakbakan. Ang send off party ay pangungunahan nina Gen. Año at Gen. Dela Rosa sa August 29 sa Villamor Air Base.

 

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,