Nagkaroon na ng lead ang Quezon City Police District upang malaman kung sino sa mga artista ang bumibili at gumagamit ng party drugs tulad ng ecstasy.
Kasunod ito ng pagkakaaresto kay Philip Mendoza-Salonga na umanoy half brother ng isang kilalang singer/actress sa isang buy-bust operation.
Nabawi kay Salonga ang labing-apat na piraso ng ecstacy, tatlong plastic ng dried marijuana leaves, 14-thousand pesos cash at isang iphone.
Sa distribution matrix ng QCPD lumalabas na si Salonga ang nagsusuply ng ecstacy at iba pang party drugs sa mga naunang naarestong drug dealer kamakailan.
Ayon kay QCPD Direction P/SSupt Guillermo Elazar, aalamin nila kung sinu-sino ang mga artista at kilalang mga tao ang binebentahan ng mga ito.
Itinnaggi naman ng isa sa mga suspect na mayroong silang kleyenteng artista.
Ayon naman kay Rez Cortez, presidente ng Kapisanan ng mga Artista at Pelikulang Pilipino.
Sa kabuoan 80 piraso ng ecstasy at iba pang party drugs ang narecover sa tatlong suspect na tinatayang nagkakahalaga ng 120-thousand pesos.
Sunod namang susuyurin ng QCPD ang mga bar sa Quezon City.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: aalamin ng QCPD, Mga artistang bumibili ng ecstasy at party drugs