Pormal nang itinurnover sa Police Regional Office 7 ang mga isinukong armas ni Daanbantayan Mayor Vicente Loot kahapon matapos na kanselahin ang mga lisensiya nito ng Department of the Interior and Local Government.
Mismong ang mga pulis ng Daanbantayan at abogado ni Loot na si Attorney Russel Fuentes ang nagsuko sa labindalawang piraso ng armas ng alkalde.
Kabilang sa mga isinukong armas ni Loot ay anim na pistol, apat na high powered rifles, isang rifle at isang shotgun.
Samantala, pinayuhan ni Police Regional Office-7 Director Chief Superintendent Noli Talino si Loot na sakaling makatanggap ng pagbabanta ay maaari ito humiling ng security sa national office.
Isa si Loot sa mga opisyal ng local government na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa iligal na droga.
(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)
Tags: isinuko sa mga otoridad, Mga armas ni Daanbantayan Mayor Vicente Loot