Pinaghahandaan ngayon ng bansa ang posibilidad ng pagtama ng 7.5 magnitude na lindol o “The Big One” na posibleng yumanig sa Metro Manila ayon sa PHIVOLCS.
Bunsod nito, nagkaroon ng Memorandum of Understanding ang DILG at UAP sa paggawa ng mga disaster resilient na gusali.
Ayon kay DILG Sec. Melsenen Sarmiento, malaki ang magiging papel ng mga Pilipinong arkiteko upang maihanda ang mga gusali sa mga kalamidad na maaaring tumama sa bansa.
Naniniwala ito na ang mga Pilipinong arkitekto ay isa sa pinakamahuhusay na arkitekto sa buong mundo kaya naman hiningi niya ang tulong ng mga ito.
Nagpapasalamat naman si UAP Nation President Architect Benita Regala sa tiwalang ibinigay sa kanila ng pamahalaan.
Aniya, ang mga Pilipinong arkitekto ay hindi lamang nakatuon sa paggawa ng magagandang disenyo ng gusali kundi tinitiyak nito na hindi basta-basta magigiba ng mga kalamidad ang kanilang itinatayong proyekto.
Sa kasalukuyan ay nasa mahigit tatlumpung libo ang arkitekto sa bansa.
inanyayahan ni Regala ang mga kabataan na kumuha ng kursong Architecture upang makatulong nila ito sa mga susunod na panahon.
Ngayong linggo ay isinasagawa ng UAP ang kanilang 42nd National Convention.
Ang UAP 42nd national convention ay nagsimula kahapon, April 21, at tatagal hanggang sa Sabado, April 23 sa SMX Pasay City.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: isang kasunduan para sa paggawa, Mga arkitekto at DILG, mga disaster resilient na gusali