Mga apektado ng El Niño sa PH, umabot na sa mahigit 4.5 Million – DSWD

by Radyo La Verdad | May 20, 2024 (Monday) | 3337

METRO MANILA – Umabot na sa mahigit 4.5 milyong indibidwal ang bilang ng mga naapektuhan ng El Niño phenomenon sa bansa.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 1,181,568 na pamilya mula sa 6,017 barangay sa 14 na rehiyon ang apektado.

Kabilang sa mga apektadong rehiyon ang Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Cordillera Administrative Region, at BARMM.

Dagdag pa rito, sinabi ng dswd na nabigyan na ng P372.4-M na humanitarian assistance ang mga apektadong indibidwal.

Mayroon namang P3.2-B na magagamit na relief resources ang kagawaran, kung saan P607.9-M ang inilaan para sa standby funds at P2.6-B naman ang para sa food at non-food items.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, hanggang May 13, umabot na sa 280 na Local Government Units (LGU) ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa matinding init.

Tags: , ,