METRO MANILA – Umabot na sa halos15,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Betty, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa ulat ng ahensya as of May 31, umabot na sa 14,908 o katumbas ng 3,821 na pamilya sa Cordillera Administrative Region, Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa at Western Visayas ang naapektuhan ng bagyo.
Sa bilang na yan, umabot naman sa 5,981 ang mga residenteng inilikas mula sa kanilang mga tahanan.
Wala namang nawawala, nasaktan o nasawi base ulat ng NDRRMC.
Samantala, umabot na sa halos P2M halaga ng tulong ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektado indibidwal.
Tags: Bagyong Betty, NDRRMC