Mga alinlangan sa pagkamatay ni Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., mapapawi pagkatapos ng imbestigasyon – PNP Chief Dela Rosa

by Radyo La Verdad | November 8, 2016 (Tuesday) | 996

pdg-dela-rosa
Tiniyak ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na mabibigyan ng linaw ang mga alinlangan sa pagkamatay ni Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. pagkatapos ng isinasagawang imbestigasyon ng pambansang pulisya.

Binigyang diin ni Dela Rosa na ayaw na ayaw niya ang extra judicial killings.

Aminado rin ang PNP Chief na makaka apekto sa kanilang kampanya kontra iligal na droga ang isyu ng pagkamatay ni Mayor Espinosa.

Gayunpaman umapela si Dela Rosa sa ating mga kababayan na patuloy na suportahan ang all-out war against illegal drugs lalo’t malayo na aniya ang nakarating nito.

Makakaasa rin aniya ang publiko na sumusunod ang PNP sa rule of law.

Tags: ,