Dapat na umanong itigil ng mga tumututol sa pagpapatupad ng martial law sa Mindanao ang kanilang sloganeering ayon sa Malakanyang.
Kung tunay aniyang may mga pag-abuso sa karapatang pantao, magsampa sila ng reklamo sa korte. Pinawi rin ng Malakanyang ang pangamba ng ilan na magkakaroon ng mga matinding pag-abuso sa pagpapalawig pa ng isang taon sa batas militar sa Mindanao.
Muli ring binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malaki ang pagkakaiba sa ipinatutupad na martial law ngayon kumpara noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Gayunman, nag-abiso ang Malakanyang sa publiko na maging mapagbantay sa posibleng mas madalas na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng New People’s Army o NPA.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: Malacañang, martial law., Mindanao