METRO MANILA – Naghahanda na ang mga airport sa buong bansa kaugnay sa nalalapit na long holiday.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), inaasahan na ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan ngayong nalalapit na ang mahabang bakasyon.
Sa isang pahayag sinabi ng CAAP, na paiigitingin nila ang seguridad na ipatutupad sa mga paliparan, at mananatiling naka high-alert kasunod ng ilang bomb joke at threats sa mga nakalipas na Linggo.
Nakipag-ugnayan na rin ang sila sa mga airline company para sa deployment ng karagdagan manpower upang ma-accomodate ang dagsa ng mga pasahero.
Nakahanda na rin anila ang malasakit help desks at bukas rin ang mga hotline para sa anomang concern ng mga pasahero.
Muli namang pinaalalahanan ng CAAP ang mga pasahero na agahan ang pagpunta sa mga airport bago ang kanilang flight upang maiwasan ang anomang aberya.
Tags: airport, CAAP, long holiday