METRO MANILA – Pinangalanan ni Department Of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang 5 ahensya ng pamahalaan na pangunahing isasailalim sa imbestigasyon ng Anti-Corruption Task Force.
Kasama pa rin PhilHealth bilang pagpapatuloy sa nauna nang imbestigasyon, Department of Public Works and Highways, Bureau Of Customs, Bureau of Internal Revenue at ang Land Registration Authority.
Ayon kay Secretary Guevarra, bukod sa pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian sa pamamagitan ng agarang pagsasampa ng kaso direkta sa ombudsman pagkatapos ng imbestigasyon.
Maglalagay din sila ng anti-corruption mechanisms sa mga ahensya ng gobyerno upang mailayo ang mga tao sa korupsyon.
Nakatakda bukas (Oct. 30) ang unang pagpupulong ng Anti- Corruption Task Force at inaasahang tatalakayin dito ang mga unang hakbang at mga prayoridad magawa.
Binubuo ang task force ng department of justice na syang head agency, kasama ang national bureau of investigation, presidential anti-corruption Commision, Office of the Special Assistant to the President, National Prosecution Service at Anti-Money Laundering Council.
Iimbitahan din nito ang Commission On Audit, Civil Service Commission at Office of the Ombdusman upang makipagtulungan sa kanila bilang independent constitutional bodies.
Tiniyak naman ng malakanyang na hindi masasapawan ng task force ang trabaho ng Office of the Ombusman at PACC bilang pangunahing ahensya na nag-iimbestiga ng katiwalian sa pamahalaan.
“So marami ping aasiste at marami pong piskal na pupuwedeng mag-conduct ng investigation kung ikukumpara po natin sa limitadong personnel ng office of the ombudsman” ani
Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.
(Dante Amento | UNTV News)