METRO MANILA – Inaasahang ihahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang mga nakamit na pag-unlad ng bansa sa loob ng kanyang 1 taong panunungkulan sa isasagawang State of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, July 24.
Ayon sa pangulo, simpleng pag-uulat ang gagawin niya para makita ng taumbayan ang tunay na estado ng bansa.
Ihahayag din niya ang mga kulang pa at plano kung paano isasakatuparan ang mga ito.
“That’s what I want to explain to people that we have made significant progress, we can see the difference now not only in terms of how the systems work, how the government works and how we are now seen or judged in the international community.” ani Pangulong Ferdinand Marcos Jr.