METRO MANILA – Nawalan umano ng sapat na panahon ang mga organizer ng SEA Games na paghandaan ang palaro dahil sa delay na pagpasa noon ng 2019 budget ayon kay 1 Pacman Party List Rep Mikee Romero.
Ito rin ang itinuturong dahilan ni House Speaker at Philippine SEA Games Organizing Committee Chairman Alan Peter Cayetano.
Itinuro nya rin si Senator Franklin Drilon na isa sa dahilan kaya nabawasan pa ang pondo para sa SEA Games.
“Tama po yung sinabi kanina ni Deputy Speaker Mikee Romero . It was Senator Drilon who moved the budget of the sea games to the psc and it was senator drilon who proposed cutting it by 33% only a few months before 2.5M pero siya ang naglilead ng criticism.” ani House Speaker Rep. Alan Peter Cayetano.
Pero sagot ni Senator Drilon walang basehan ang akusasyon ni Congressman Cayetano dahil ang pagkaantala sa pagpapasa ng 2019 budget ay nag-ugat sa ginawang unconstitutional insertions ng kamara sa panukalang pondo.
Kung pinayagan umano ito na makalusot ay kaya nitong punuin ang P50 M-worth of Kaldero o Cauldron sa SEA Games. Sinabi naman ni Senator Panfilo Lacson wag sa kanila isisi ang pagkukulang ng SEA Games committee.
“No way, hindi naman kami ang cause ng delay e, ang naka-cause ng delay yung P75 B na insert pa ng house even we both ratify yung Bicam report, so hindi dapat kami ituro”ani Sen. Panfilo Lacson.
Samantala depensa pa ni Congressman Romero na isa ring atleta hindi na umano bago ang aberyang naranasan ng ilang atleta dumating sa bansa.
Dahil kahit ang ibang bansang nagho-host ng SEA Games nagkakaroon rin ng problema sa pagsaludar sa mga atleta. Hinimok naman ni Romero ang Philippine Sea Games organizing committee na mag double time upang masaludar ng maayos ang lahat ng atleta at guests sa SEA GAmes.
(Vincent Arboleda | UNTV News)
Tags: 2019 Sea Games hosting