May pagpipilian na ang mga turista sa Mexico City na naghahanap ng kakaibang paraan upang lakbayin ang makasaysayang siyudad.
Maaari na ngayon malibot ng mga turista ang mga sinasabing lugar sa Mexico City na pugad ng korapsiyon o konektado sa mga maanomalyang transaksyon.
Ang mga gustong lumahok sa binansagang ‘Corruptour’ ay sasakay sa isang bus na mag-iikot sa kanila sa 10 landmarks sa Mexico City na may kinalaman sa korapsyon.
Kabilang sa maaaring mabisita ang gusali ng senado ng Mexico na itinayo sa halagang 5 bilyong Mexican peso gayong 1.7 bilyon lang dapat na budget para sa pagpapatayo nito.
Ang tour ay isinasagawa ng Via Ciudadana na isang grupong naghihimok sa mga mamamayan ng Mexico na labanan ang graft and corruption sa kanilang bansa.
Tags: Mexico, nag-aalok ng tour sa mga lugar na may kaugnayan sa korapsyon