Mexicans, nagprotesta kontra sa gay marriage proposal

by Radyo La Verdad | September 13, 2016 (Tuesday) | 1017
Protesters sa Mexico(REUTERS)
Protesters sa Mexico(REUTERS)

Libu-libo ang nagmartsa sa Mexico noong Sabado upang tutulan ang gay marriage, na hinahamon ang plano ni President Enrique Peña Nieto na gawing legal ito sa bansa.

Nagtipon tipon ang mga civil society organizations at iba’t ibang religious groups sa western city ng Guadalajara.

Ang same sex marriage ay legal na sa Mexico at ilan pang estado gaya ng Coahuila, Quintana Roo, Jalisco, Nayarit, Chihuahua and Sonora.

Plano ni Peña Nieto na baguhin ang konstitusyon para maging legal ito sa bansa.

Si Nieto, na nakikipagbuno dahil sa mabagal na ekonomiya, conflict of interest scandals, drug gang violence, ay binuksan ang kanyang sarili sa kritisismo matapos manawagan ito sa mga mambabatas na pagdebatihan ang gay marriage.

Noong nakaraang taon ay idineklarang unconstitutional ng Mexico Supreme Court ang pagbabawal sa gay marriage.

Nanatili paring ipinagbabawal ang gay marriage sa ilalim ng local law sa 31 estado sa Mexico.

(Rc Reyes / UNTV Correspondent)

Tags: ,