Kasado na bukas (July 30) ang isasagawang Metrowide Earthquake drill na pangungunahan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Ang naturang earthquake drill, na may layong ihanda ang taumbayan sa pagsapit ng isang malakas na lindol, ay magsisimula ng alas-10:30 hanggang alas-11:30 ng umaga.
Nakatakda ring magsagawa ng earthquake nighttime drill ang lungsod ng Pasig na magsisimula ng alas-7:30 hanggang 8:30 ng gabi.
Nagpanawagan na rin ang MMDA para sa mga nais lumahok sa Metro Manila Rescue Volunteer Corps.
Nasa mahigit 1,000 na ang sumali pero nangangailangan pa rin ang MMDA ng karagdagang 8,000 volunteers para sa earthquake response training.