Aarangkada na ngayong araw ang Metro Wide Shake Drill ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Layon nito na maihanda ang publiko sa mga posibleng mangyari kung sakaling tumama sa Metro Manila at mga karatig lalawigan ang tinatawag na “the big one” o ang magnitude 7.2 earthquake na maaring ma-trigger ng paggalaw ng West Valley fault.
Isasagawa ang pinakamalaking earthquake drill sa kasaysayan ng Metro Manila ngayong umaga, samantalang magkakaroon naman ng bukod na drill ang Pasig City mamayang alas sais ng gabi.
Maririnig ang isang thirty one second radio plug sa buong Metro Manila eksaktong alas dies y media bilang hudyat ng pagsisimula ng drill.
Kabilang sa makikiisa sa drill ang mga estudyante, local government units, private establishments at maging ilang mall sa buong Maynila.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com