Metro Manila workers, may P21 na umento sa arawang kita

by Radyo La Verdad | September 15, 2017 (Friday) | 2119

May dagdag na dalawampu’t isang piso ang arawang kita ng mga manggagawa sa Metro Manila. Ito ang naging desisyon ng NCR Wage Board matapos na ihain ng grupo ng mga manggagawa ang petisyon na humihiling ng 184-pesos na dagdag sahod.

Maaaring sa 1st week ng Oktubre magkaroon ng bisa ang umento o labing limang araw pagkatapos na ito ay mailathala. Ngunit ayon sa Associated Labor Unions-TUCP, hindi makatutulong sa kanila ang bagong umento para makaahon sa kahirapan.

Ipagpapatuloy na lang umano nila ang paghiling kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng limang daang pisong buwanang subsidiya ang mga manggagawa dahil naging bahagi naman sila ng paglago ng ekonomiya.

 

 

Tags: , ,