Metro Manila, posibleng isailalim sa MGCQ sa Nobyembre – Metro Manila Council

by Erika Endraca | October 1, 2020 (Thursday) | 2243

METRO MANILA – Pinaghahandaan na ng Metro Manila Council ang posibleng paglalagay sa Metro Manila sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) mula sa kasalukuyang GCQ.

Ayon kay MMC Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, posibleng ilipat sa lowest quarantine ang NCR sa ilang kundisyon:

Kung patuloy ang magiging pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon, pagtaas ng recovery rate at kung patuloy na susunod ang publiko sa mga ipinatutupad na minimum health standards.

“Palagay ko po baka itong hanggang katapusan ng October na ito ay matapos natin ang gcq at hopefully with God’s graces itong darating na november baka mag mgcq na po ito sa pahintulot ng ating mahal na presidente.” ani Metro Manila Council| Parañaque City/Chairman, Mayor Edwin Olivarez.

Ayon pa kay Olivarez, pinag-aaralan na ng Metro Manila Mayors ang posibleng pagluluwag ng ipinatutupad na curfew sa NCR. Sa kasalukuya ay umiiral pa ang 10pm to 5am unified curfew.

“Sa susunod na meeting po namin yan po ang isa sa pinaka main agenda po natin para mabuksan na po natin ang economy po natin.” ani Metro Manila Council| Parañaque City/Chairman, Mayor Edwin Olivarez.

Ngayong buwan ng Oktubre ay nasa ilalim pa rin sa GCQ ang NCR batay na rin sa rekomendasyon ng Metro Manila Council para mapanatili ang pagbaba ng kaso ng COVID-19.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: ,