Metro Manila, hindi pa handang isailalim sa COVID-19 Alert Level 1 lalo na ngayong papalapit ang halalan – DILG

by Radyo La Verdad | February 14, 2022 (Monday) | 24083

METRO MANILA – Muling maglalabas ng quarantine guidelines ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) para sa February 15-28.

Ngunit ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, hindi pa handa ang metro manila na ilagay sa Alert Level 1 o pinakamababang COVID-19 alert level lalo na ngayong nag-umpisa na ang kampanya ng mga national candidates

Aniya, mas kailangang magbantay ngayong papalapit ang kampanya ng mga lokal na kandidato hanggang sa araw ng halalan.

Dagdag pa ng kalihim, sobrang luwag na kapag inilagay na sa Alert Level 1 ang NCR kung saan ang public health standard na lamang ang ipatutupad.

Samantala, nagpaalala naman si PNP Public Information Office Chief PBGen. Rhoderick Augustus Alba na iwasan ang pagdagsa sa mga pampublikong lugar at ang public display of affection ngayong araw.

Mas maipapakita aniya ang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagsunod sa physical distancing.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: , ,