Metro Manila at iba pang lugar, mananatili sa Alert Level 1 hanggang June 30 kahit may pagtaas sa COVID-19 cases

by Radyo La Verdad | June 16, 2022 (Thursday) | 5307

METRO MANILA – Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang panibagong round ng COVID-19 alert level classification na ipatutupad sa bansa.

Sa gitna ito ng pagtaas ng bagong COVID-19 cases sa mga nakalipas na araw.

Mananatili sa alert level 1 ang Metro Manila hanggang June 30 gayundin ang iba pang probinsya, highly urbanized cities, independent component cities and municipalities.

Batay sa Octa Research, tumaas ng 53% ang bilang ng COVID infections sa Metro Manila noong nakalipas na Linggo.

Ayon naman sa secretariat ng IATF, 84 sa 121 probinsya, highly urbanized cities and independent component cities ang nasa ilalim ng least strict risk level classifications gayundin ang 161 sa 758 component cities and municipalities.

Samantala, ilang lugar naman sa bansa ang nasa alert level 2.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,