METRO MANILA – Lalo pang tumaas ang naitatalang kaso ng Delta variant sa National Capital Region (NCR) at CALABARZON region.
Batay sa pag-aanalisa ng mga eksperto, wala nang kaugnayan ang naturang mga kaso.
Dahil dito, masasabi na ng DOH na mayroon nang community transmission ng Delta variant sa 2 rehiyon
“Kapag nakakita tayo ng mga kaso or clustering in an area, tumataas ang mga kaso alam natin that there’s already the presence of the delta variant in areas” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.
Nilinaw naman ng DOH na kailangan pa ng mas matibay na ebidensya bago ideklarang may community transmission na sa buong bansa.
Kahapon (August 23)nadagdagan pa ang mga bagong kaso ng COVID-19 variant na na- detect sa Pilipinas .
466 ay Delta variant cases, 90 ang Alpha variant, 105 ang beta variant at 41 P.3 variant alerts for further monitoring. Sa kasalukyan naman ay may kabuuang 1, 273 Delta variant cases sa bansa.
Samantala, ipinaliwanag din ng DOH na hindi na epektibo ang malawakang lockdown para maputol ang hawaan ng COVID-19 infection
“Iyong malakihan na mga lockdown ay restrictions ay mukhang hindi na po naigiging effective para sa atin ano, dito sa ating bansa. We have implemented these lockdowns for how many times already last march of 2020, nag-july and august tayo tapos ito uling March and April of 2021 and now, now.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.
Batay sa DOH at fassterr projections, sa ipinapatupad na mecq pagkatapos ng dalawang linggong ECQ sa ncr—
Aabot sa mahigit 66,000 ang active COVID-19 cases sa NCR Sa katapusan ng Agosto.
Posibleng umabot naman sa mahigit 269,000 active cases sa katapusan ng Setyembre .
Ngunit may pakinabang pa rin naman ang lockdown kung sasabayan ng pinaigting na pagbabakuna, mabilis na case detection, contact tracing at isolation at pagpapaigting sa minimum public health standards.
Dati nang ipinahayag ng world health organization na hindi panghabang buhay na solusyon ang lockdown sa pagputol ng COVID-19 transmission dahil apektado nito ang ekonomiya ng mga bansa at kabuhayan ng mga tao.
“Mas magiging effective at mas magiging advantageous para po sating lahat kung babaan natin kaunti pero magga- granular lockdown tayo”ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Covid-19