METRO MANILA – Inaprubahan na ang pagluluwag ng COVID-19 restrictions sa Metro Manila at 7 pang probinsya sa bansa.
Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng daily COVID-19 cases.
Simula February 1-15, 2022, alert level 2 na ang National Capital Region (NCR), Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte at Basilan.
Sa ilalim ng alert level 2, halos lahat ng aktibidad at negosyo ay pinapayagan na. 50% ang maximum indoor capacity para sa fully vaccinated kasama na ang mga edad 17 pababa.
Samantalang 70% naman sa outdoor capacity. Maging ang mga menor de edad, pinapayagan na ring lumabas ng bahay.
Bukas na ang mga perya, kid amusement industries, kahit ang mga karaoke bar. Pwede na ring magtipon-tipon kahit ang mga hindi magkakasama sa iisang bahay.
Patuloy lamang na apela ng Malacañang sa mga mamamayan, mag-ingat at sumunod pa rin sa health protocols, magpabakuna at booster shots kung eligible na.
Samantala, 90 lugar naman sa bansa ang nasa Alert Level 3 simula bukas hanggang kalagitnaan ng Pebrero.
(Rosalie Coz | UNTV News)