Metro Manila at 12 probinsiya, nakitaan ng pagtaas sa COVID-19 positivity rate batay sa datos ng Octa Research

by Radyo La Verdad | July 7, 2022 (Thursday) | 8897

METRO MANILA –Malaki ang itinaas sa COVID-19 positivity rate sa Metro Manila at 12 pang mga probinsiya sa bansa sa loob lamang ng 3 araw mula July 2 hanggang 5 batay sa datos na inilabas ng Octa Research.

Mula sa dating 8.3% ay pumalo na sa 9.8% ang positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Ibig sabihin nito, isa sa bawat sampung tini-test sa COVID-19 sa NCR ay nagpopositibo sa sakit.

Lagpas 10% naman ang positivity rate na naitala sa mga lalawigan ng Antique, Batangas, Cavite, Iloilo, Laguna, Pampanga at Rizal.

Sa Antique, 1 sa bawat 5 isinasailalim sa COVID-19 test ay nagpopositibo sa sakit.

Pinakamalaki naman ang itinaas sa positivity rate ng Pampanga na mula sa dating 9.1 ay umaabot na sa 15%.

Tags: , ,